Una sa Balita

PBA security mas hihigpitan

0 170

By Vladi Eduarte

MAS mahigpit na seguri­dad sa Smart Araneta Coliseum ang ilalatag sa Game 6 ng PBA Philippine Cup Finals mamayang gabi.

Lamang sa best-of-seven series ang Magnolia Hotshots 3-2, isang panalo pa ay sisipain na sa trono ang four-time champions San Miguel Beermen.

Higit 3 minutes pa bago matapos ang 88-86 win ng Hotshots sa Game 5, isang lalaki na nakasuot ng Spider-Man costume ang biglang tumakbo sa court.

Galing sa Patron side sa likod ng basket ng Beermen ang intruder, sinuyod ang gitna at sumalpok kay June Mar Fajardo.

Napigil ng security ang lalaki at inilabas ng court. Limang minuto ding natigil ang laro dahil sa papansin na intruder.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, hihingi siya ng karagdagang seguridad mula sa Araneta at pulisya para siguruhing wala nang uulit.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy