Una sa Balita

PBA: SECOND SPOT ISESEMENTO NG MERALCO

By
0 3

[mstw_league_standings league=pba season=commissioners-cup-eliminations]

Games ngayon:
(Smart Araneta ­Coliseum)
4:15 p.m. — NLEX vs. Blackwater
7:00 p.m. — Meralco vs. Phoenix

Matapos ang one week break para sa 29th PBA All-Star Week sa ­Cagayan de Oro-Lucena-Cebu, magpapatuloy ang 17th PBA Commissioner’s Cup simula ngayon ng five-playing days sa eliminations bago muling magpapahinga sa pagbibigay-daan naman sa 12th Southeast Asian Basketball Association Men’s Championship sa Mayo 12-18.

Sa twinbill sa araw na ito sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, dederetsuhin sa tatlo ng nasa quarterfinals na ­Meralco (6-1) ang winning-streak upang masementuhan ang No. 2 spot ­kontra sa ­aasinta ng back-to-back win, eight-running ­Phoenix Petroleum (3-4) sa seven evening game.

Sa 4:15 curtain rainser magtatagpo ang mga magkakabakasali pang makahabol ng Round-of-8 na may two-game slide, nasa 10th na Blackwater (1-6) at winless pa sa seven games, nasa ilalim na NLEX (0-7).

Para masundan ang 102-91 pag-dismantel sa Blackwater noon pang Abril 16, inihayag ni Norman Black na sesentro sila sa depensa para masawata sa poste si Jameel McKay at kokontrolin din ang rebounds sa depensa. May 2-4 win-loss record si McKay sa six games sa PP.

“Our focus on defense will be to try and slow down their import in the post and to control our defensive boards,” giit ng Bolts coach, na aligaga nga lang mula sa 17-day break ng kanyang team.

“I’m not sure how the 17-day break will affect us but we are healthy and ready to get back on court,” hirit ni Black. “Cliff Hodge will return so that should give our ­defense a lift.”

Para sa Phoenix, ­sinabi ni Ariel ­Vanguardia na ­dapat kumayod nang todo ni McKay at mapakinabangan na si ­Willie Wilson para madugtu­ngan ang 94-86 upset sa ­Alaska noong Abr. 21 lalo’t pansamantalang mawawala si Matthew Wright na nasa Gilas Pili­pinas na lalaro sa SEABA sa bansa Mayo 12-18.

“Without Matt somebody got to step up and I’m hoping that its Willie Wilson. We haven’t ­really felt his presence since last conference with injuries and sickness,” anang Fuel Masters drillmaster. Willie’s been the barometer of this franchise. If he plays well we most likely ends up with a W.”

“Jameel will have his hands full with (Alex) Stepheson so it will be the locals led Wilie who must take care of their other bigs,” panapos ni Vanguardia.