Una sa Balita

PBA Rookie Christian Jaymar ‘CJ’ Perez Matagumpay na, aabutin pa

0 528

DREAM ko pa ring makapagtapos!

Tinatamasa na ngayon ni Christian Jaymar Perez o ‘CJ’ ang tagumpay, pero hangad pa ring makumpleto ang ambisyon ng kanyang ina na makapagtapos siya ng kolehiyo para mas maging handa sa kanyang kinabukasan at sa kanyang pamilya.

‘Di makakalimutan ng 6-foot-1 na basketbolista na magdiriwang ng kanyang ika-26 na taong kaarawan sa Nobyembre 17 ang hirap na pinagdaanan bago ito tinanghal na top pick sa 2018 PBA Rookie Draft para sa Columbian Dyip, at mapabilang sa Gilas Pilipinas na sumalang sa 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup sa China.

Kinailangan ni CJ na gamitin ang sport upang maging sandigan sa pag-aaral at tuparin ang pinapangarap ng kanyang ina na nagsilang sa kanya sa Kowloon, Hong Kong bago siya inalaagan at lumaki sa Bautista, Pangasinan.

Nakasama si CJ sa San Sebastian Stags sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) bago napunta sa Ateneo Blue Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at nagbalik-NCAA sa Lyceum Pirates.

Kinikilala na sa kasalukuyan si CJ na isa sa pinakamahusay na rookie sa papatapos nang 44th Philippine Basketball Association (PBA) kung saan napabilang din ito sa national men’s basketball team na mas tanyag sa tawag na Gilas Pilipinas.

***

Q&A

Abante: Ano ang masasabi mo na isa ka na sa mga tinitingala sa laro mapa-international o professional at sa hanay ng PBA rookies?
Perez: Tingin ko, ‘di pa ako ang pinaka-the best sa rookie, sa national at sa pro. Marami pa akong dapat na matutunan. Kailangan ko pang i-level up ang paglalaro at marami pa akong dapat na i-work-on. Marami pa akong dapat lampasan. Just lucky na kabilang na ako ngayon sa PBA.

Abante: Other than sa basketball playing career mo, marami pa bang ambition na gusto mong maabot?
Perez: Medyo mahirap ang tanong na iyan ah. Pero siyempre, marami akong gustong maabot pa sa buhay ko. Siyempre, pinakasimple ay maging successful at maayos ko ang family ko. Lumaki ang baby ko na maayos. Tulungan ang parents ko, ang mama ko. Gusto ko sila mabigyan ng maayos na pamumuhay. Iyun ang pinakapinapangarap ko. After kasi ng basketball, wala na akong ibang way para matulungan sila at makita ko silang maayos. ‘Di na natin sure kung ano ang next chapter sa buhay naatin.

Abante: After playing for Gilas Pilipinas, magla­laro ka uli sa 3×3?
Perez: ‘Di pa naman kasi sure at final iyung lineup ng 3X3. Praktis pa lamang iyun at ‘di pa final ang composition. Titingnan pa kung sino ang pupuwede magkakasama sa mabubuong team.

Abante: Ano ang pinagkakaabalahan ni CJ after a game or team practice?
Perez: After the practice, bahay lang ako, pahi­nga. Alaga ako sa baby ko, nood kami ng NetFlix. Tulong din sa gawaing bahay.

Abante: Naglalaro ka ba ng mga digital games o eSports?
Perez: Wala akong hilig sa eSports saka sa ibang computer games. Mostly, nood lang ako ng movies, then alaga sa baby ko saka stay lang lagi sa bahay. Nakakahawak lang ako ng computer kapag nag-aaral at nagbabasa ng mga lecture roon bukod sa libro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy