PBA: Rambol ng magkapatid

By

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. — Kia vs. Rain or Shine
6:45 p.m. — NLEX vs. Meralco

Itataya ng Meralco ang solo lead sa NLEX sa walang kapa-kapatid na rambol sa 6:45 evening nga­yon na magpapatuloy mula sa dalawang tigil-putukang playdates ng PBA Governors’ Cup eliminations sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Mauuna sa main game na nabanggit ang 4:30 afternoon curtainraiser muna ng katabla sa eight spot na Rain or Shine (1-2) at nasa pinakailalim na Kia (0-5).

Hihigitan ng Meralco (4-0) ang previous four-game winning streak ng NLEX (4-1) tapos na mga makuryente ang Blackwater (107-78), defending champion Ginebra (93-78), Rain or Shine (89-73) at KIA (112-97).

Ayon kay Bolts coach Norman Black, gaya sa natapos na apat na asigna­tura, nais niyang maging pokus ang kanyang mga bataan upang manatili sa top four sa standings na may twice-to-beat incentive pagsapit ng playoffs.

Babawi naman ang counterpart ni Black na si Yeng Guiao sa Road Warriors makaraang malagot ang four consecutive victory sa Gin Kings sa nagdaang Sabado sa out-of-town game sa Panga­sinan (97-110).

Tampok sa Bolt-Road Warriors game ang debut ni Mike Tolomia na na-trade noong Lunes sa kap­wa Gilas Pilipinas cadet member Ed Daquioag na nasa RoS na.

Mas pokus ang marami sa Elasto Painters na sa pagsalpok sa Picanto’y ibabanda ‘di lang si Daquioag kundi pati si J’Nathan Bullock bilang bagong import na pumalit kay JD Weatherspoon, at si Mark Borboran na naka-swap naman si Jeff Chan sa Phoenix Petroleum kasama ang second round pick ng Fuel Masters. 

SHARE