Una sa Balita

PBA: Q’final cast kinumpleto ng Blackwater

By
0 20

STANDINGS
TEAMS                W     L
x-Ginebra           8     2
x-Meralco           7     2
x-NLEX               7     3
x-TNT*               6     3
x-SMB                 6     3
x-Star*               5     3
x-RoS                  5     4
x-Blackwater      5     5
y-GlobalPort        3     7
y-Alaska              3     7
y-Phoenix           2     8
y-KIA                  0   10

* — Naglalaro pa kagabi
x — Quarterfinalists
y — Eliminated

Mga laro sa Miyerkules:
(Ynares Center-Antipolo)
4:15 p.m. — RoS vs. Alaska
7:00 p.m. — Phoenix vs. SMB

Yumakap at may binulong si Allein Maliksi kay Star Governor Rene Pardo ilang saglit tapos bitbitin ng 22 points niya ang Blackwater sa 118-107 pag-alpas sa inalat na GlobalPort kagabi sa PBA Governors’ Cup eliminations sa Ynares Center sa Antipolo.

Marahil nagpasalamat siya sa may apat na taon niya sa Hotshots bago na-trade kasama si Chris Javier para kina Kyle Pascual at Bambam Gamalinda isang linggo na ang nakalilipas papuntang Elite.

Pinagbakasyon na ng Blackwater ang GlobalPort at ang Alaska dahil sa panalo samantalang kinumpleto na nila ang eight-team quarterfinal cast kasama ang mga pinapasok na ring Star (5-3) at Rain or Shine (5-4). Nakuha ng Elite ang 5-5 win-loss card at sinalya ang biktima sa 3-7 gaya ng Aces.

“The pre-game instructions were to keep it simple and avoid complications by simply winning this game,” giit ni Leo Isaac, na biniyayaan pa ng halos triple-double ni Henry Walker na 19 points, 13 rebounds at nine assists at tatlo pang locals ang mga pumukol  ng 11 pts. above.

“Every instruction was geared toward that. Good thing we were able to withstand Global’s comeback in the fourth quarter,” hirit pa niya sa kalaban, na dumikit ng anim na puntos mula sa jumpshot ni Stanley Pringle sa last 1:38, 113-107, mula sa third quarter 21 points down (85-64) ng GP.

Isa sa pagbagsak ng Batang Pier ang ejection ni Terrence Romeo sa 5:01 ng second stanza tapos batuhin ng bola ang bumangga ­aniya sa kanyang si Walker kung saan natawagan siya ng turnover na double dribble.

May 28 pts. at 23 rebs si Murphey Holloway para sa Global habang naka-27 si Pringle at may 13 puntos si Romeo.

Ang iskor:
First game

Blackwater 118 — Maliksi 22, Sumang 21, Walker 19, Digregorio 16, Marcelo 13, Erram 11, Belo 8, Pinto 8, Canaleta 0, Cruz 0.

GlobalPort 107 — Holloway 28, Pringle 27, Romeo 13, Baracael 11, Anthony 8, Guinto 6, Cortez 6, Araña 4, Cardona 4, Hubalde 0, Mamaril 0.

Quarters: 31-29, 62-50, 92-77, 118-107.