Una sa Balita

PBA POW: Tiu may ibubuga pa

By
0 163

Malaking tulong ang inambag ni Chris Tiu para sa kulang sa sandatang Rain or Shine na nagtala ng back-to-back wins sa PBA Governors’ Cup. 

Kaya naman hinirang si Tiu na PBA Press Corps Player of the Week para sa Agosto 13 hanggang 20. 

Inungusan ng dating Ateneo standout Tiu sina teammates Jericho Cruz at Beau Belga, Garvo Lanete ng Meralco, Blackwater playmaker Roi Sumang, GlobalPort’s Stanley Pringle at Kevin Alas ng NLEX. 

Hindi naglalaro sina ace defender Gabe Norwood at Raymond Almazan dahil kasama sila sa  Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon, na trade naman si Jeff Chan sa Phoenix kapalit ni Mark Borboran. 

Kaya puwersadong mag-deliver ni Tiu upang akbayan ang Elasto Painters. 

Nag-average ng all-around numbers na 9.5 points, 5.0 rebounds at 7.0 assists off the bench si Tiu sapat para tulungan ang Rain or Shine na kalusin ang KIA at TNT. 

Kumana si 32-year-old Tiu ng 13 points kasama ang tatlong triples, may walong assists at limang rebounds para sa Rain or Shine noong talunin ang Picanto, 94-86, (Aug. 13). 

Makalipas ang isang linggo, kumana si Tiu ng anim na puntos, anim na assists at limang rebounds para akayin ang E-Painters sa 105-73 panalo kontra Ka tropa. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy