Una sa Balita

PBA posibleng maging isang conference lang

0 408

IIGSIAN na ng PBA ang 45th Season, hindi na kakayanin ang tatlong conferences lalo’t extended ang Enhanced Community Quarantine sa Luzon hanggang April 30.

Posibleng bawasan pa ulit depende sa sitwasyon kung kontrolado na o hindi pa ang pagkalat ng coronavirus.

Ngayon ay hanggang dalawang conference muna ang target.

“The leaning of the board right now is two conferences,” balita ni commissioner Willie Marcial. “Pero kapag humaba pa ang current situation, baka maging isang conference na lang.”

Naumpisahan ang season-opening Philippine Cup, pero iisang laro pa lang noong March 8 na opening night. Makalipas ang tatlong araw ay kinansela na ang torneo.

Malamang na all-Filipino ang unang tatapusin kapag itutuloy na ang liga. Ang dalawa pang torneo ay ang import-laden Commissioner’s at Governors Cups. May height ceiling na 6-foot-5 ang imports sa midseason tourney, 6-10 sa season-ending conference.

Isinasaalang-alang ng liga ang kapakanan ng fans, players at empleyado.

Martes ay nagpatawag si chairman Ricky Vargas ng online board meeting na dinaluhan ng governors maliban kay Eric Arejola ng NorthPort na nagluluksa sa pagkamatay ng lola. Nasa online conference din ang mga miyembro ng management committee ng Commissioner’s Office.

“Since the board members were in one direction in the measures we’re looking at, the meeting lasted for only a little over an hour,” dagdag ni Marcial.

Muling magpupulong ang Board pagkatapos ng Extended ECQ sa April 30. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More