Una sa Balita

PBA player inireklamo ng panghihipo

By
0 5

Sumailalim kahapon sa inquest proceedings sa Taguig City Hall of Justice ang Filipino-American (Fil-Am) player ng Philippine Basketball Association (PBA) D-League dahil sa umano’y panghihipo nito sa isang babae sa loob ng bar sa Taguig City kahapon ng madaling-araw.

Inireklamo si Fil-Am import Rashawn McCarthy, ng isang 25-anyos na babae na itinago sa pa­ngalang Liza makaraaang hipuan umano siya ng una sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

Batay sa reklamo, nangyari umano ito pasado alas-dos ng madaling-araw nang magkasalubong umano sila ng natu­rang basketbolista  sa loob ng Revel restaurant bar sa Bonifacio Global City.

Sinabi naman ni Estella Posadas, kaibigan ng nagreklamo na inakusahan pa umano sila ng baskebolista na wala umanong katotoha­nan ang bintang at kinakuwartahan lamang siya dahilan upang ituloy umano nila ang kaso.

Si McCarthy ay nag­lalaro para sa AMA Online Education sa PBA D-League.