Una sa Balita

PBA player adik sa ‘extra service’

0 368

NAPAPADALAS daw ang pagdalaw ng isang manla­laro sa kilalang spa sa Metro Manila.

Sa kuwento ng impormante kay Mang Teban, bumibisita raw ang manla­laro tuwing dilaw ang buwan, eheste kapag hatinggabi na kung saan marami na ang natutulog sa kani-kanilang bahay.

Ang kuwento kasi, may paboritong number itong basketball player mula sa PBA kaya’t kahit may customer pa ay inaabangan niya itong makaraos, este matapos sa pagmamasahe.

At kapag siya naman ang minamasahe ng babae, aba’y lagi raw itong humihirit ng extra service o ‘yung tinatawag na happy ending.

Kaya naman, napapadalas ang pasyal nitong basketball player dahil bukod sa paglalaro sa PBA ay may sinasalihan din pala itong liga, kung saan puro slam dunk lang ang ginagawa.

Pintahan n’yo na. Ang basketball player ay madalas na magpatubo ng balbas at bigote pero hindi katulad ni James Harden.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy