PBA: PATAS LANG

SMB vs TNT finale

By

Halos walang itulak-kabigin o patas ang laban­an para sa tatlong coaches ang PBA Commissioner’s Cup best-of-7 Finals faceoff ng San Miguel Beer at TNT KaTropa na papasinayaan na bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Nais nang masilip ni Chris Gavina ng Mahin­dra kung sino ang mga makakasapaw sa magi­ging matchups ng bawat players ng magkabilang kampo – ang San Miguel na nakatutok sa second straight title tapos makopo ang season-opening Philippine Cup – at ang TNT na nais tapusin ang may dalawang season na pagkauhaw sa korona.

“I’m looking forward to seeing the (Jayson) Castro vs (Chris) Ross matchup. Both are playing at such an elite level. Which big man will be more dominant (June Mar) Fajardo or (Joshua) Smith. The (RR) Garcia and (Alex) Cabagnot matchup will be exciting to watch,” pauna ni ­Gavina sa Abante.

Pero urong-sulong  ang Floodbuster  coach sa tsansa ng isa’t isa. Kung makaka-24 na kampeonato ang SMB sa 38 paglalaro sa finale, o makokontak ng KaTropa ang 10th championship sa 19 Finals stints.

“The Beermen for me are chasing history and you can tell from demeanor of their all-star players and import that they want to achieve a histori­cal mark that SMB has not been able to accomplish for a while now,” hirit niya.

Pero may pahabol siyang pasubali.

“But I love the way coach Nash (Racela) has TNT just clicking in the right way and all their guys have brought into his system of being two way players. So for me, it’s a matter of attrition, but if the Ironmen of San Miguel continues their consistent play, they will be difficult to stop another run at another championship,” panapos ni Gavina.

Para naman kay Glob­alPort mentor Franz Pumaren: We’ll for me the biggest factor in this series is the new import (Mike Myers na stand-by sa Game 1) of TNT. If he can matchup with (Charles) Rhodes and if he can jell with his local teammates.”

Wala pang pasabi sa Commissioner’s Office ang Texters hanggang kahapon ng hapon kung tuluyang maglalaro pa rin si Smith o papapalitan na ni Myers kaya nasisi­lip ni Ariel Vanguardia ng Phoenix Petroleum na patok ang Beermen sa Texters anuman ang hakbang nito.

“SMB got the edge since Smith is not 100% or if ever he gets replaced chemistry will play a big factor,” anang Fuel Masters bench tactician. “In terms of locals both teams are the deepest in talent.”


Ayaw mag-reaksyon ni Alaska drillmaster Alex Compton.

SHARE