Una sa Balita

Painters, KaTropa sipaan sa Big Dome

By
0 18

Laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
7:00 p.m. – TNT vs. Rain or Shine

Diniskaril ng Rain or Shine ang ambisyon ng TNT na agad makapasok sa PBA Governors Cup semifinals.

Balak ng Elasto Painters na tuluyang agawan ng pinakaaasam na puwesto ang KaTropa sa kanilang sudden-death quarterfinals match ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

“We just have to prepare better,” sabi ni coach Caloy Garcia pagkatapos tablahin ang twice-to-beat advantage ng second seed TNT ng kanyang seventh-ranked Rain or Shine sa pamamagitan ng 106-102 panalo nitong Miyerkules.

“Again, we just have to do our part, review the game and find ways to win,” wika naman ni coach Nash Racela, na halata ang pagkadismaya sa kanyang koponan na mukhang masyadong umasa kay import Glen Rice Jr. Nang malimitahan si Rice, nanatiling mainit si Rain or Shine counterpart J’Nathan Bullock at ang kanyang local teammates, natambakan ang KaTropa ng hanggang 82-102.

“The locals, they have big responsibilities, too. You can’t just depend on one guy,” himutok ni Racela. “In an import-laden conference, locals would be key.”

Kay Rice pa rin nagsimula ang lahat nang malimitahan sa 19 points, mababa ng 14 sa kanyang average. Pero nu’ng gumawa siya ng walo sa fourth quarter at tumulong sila Jayson Castro, Kelly Williams at Troy Rosario, nakapagpakawala ang KaTropa ng 18-2 run para ibaba ang hinahabol 104-100. Pero naubusan na ng oras ang TNT.