Una sa Balita

PBA pahinga sa Pasko

0 334

SA ikalawang sunod­ na taon, walang Christmas Day treat ang PBA sa fans.

Ayon ito kay PBA Commissioner Willie­ Marcial nitong Sabado.

Dati-rati ay bahagi na ng Christmas cele­bration ang bawat laro ng pro league, madalas pang Ginebra ang nakasalang ng Dec. 25 kaya patok sa mga aficionado.

Pero ngayong taon, may Christmas break muli ang PBA, tatapusin ang semifinals ng Governors Cup bago mag-Pasko.

Nag-umpisa na ang best-of-five semis kahapon sa pagitan ng NorthPort at Ginebra, sa kabilang pairing ang TNT at Meralco.

Kung masasagad ang series, pinaka-late­ na matatapos sa Dec. 22.
Break ng dalawang­ linggo tapos ang liga, babalik na ng New Year para umpisahan ang best-of-seven finals sa Jan. 8.

Kaya sa Pasko, wala sa court ang players kundi nasa kani-kanilang bahay din para mag-celebrate. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy