Una sa Balita

PBA opener: Meralco vs Phoenix, Mahindra kontra Star sa Biyernes

By
0 3

Games sa Biyernes: (Smart Araneta Coliseum)
4:15 p.m. — Meralco vs. Phoenix
7:00 p.m. — Mahindra vs. Star

Tigalawang bago at balik na American imports, at dalawang new coach at tatlong Asian imports ang mga tampok sa Meralco-Phoenix at Mahindra-Star games na magbubukas sa 41st-season season-ending PBA Governors Cup sa Biyernes, Hulyo­ 15 sa Smart Araneta Coliseum.

4:15 p.m. opening salvo ang mga salang ng Meralco at Phoenix, habang seven nightcap ang Star at Mahindra sa pangatlo’t pina­leng kumeperensya ng pro league para sa taong 2015-16.

Ipaparada ng Bolts si Allen Durham na unang nagsuot ng Barako Bull jersey at nakaapat na games sa 2013-2014 Govs Cup katuwang si Iranian Mohammad Jamshidi.

Makakatapat nila sina Marcus Simmons at Korean Lee Kwan Hee sa Fuel Masters na titimunan na ni coach Ariel Vanguardia kapalit ni Koy Banal.

Si Marqus Blakely ang gigiya uli sa Hotshots sa panlima na niyang tour of duty na walang Asian import samantalang si NBA journeyman James White ang makabanggaan niya para sa Enforcers na may Asyano ring si Iman Zandi ng Iran, at si Chris Gabina­ na ang tatawag ng plays na humalili kay Chito Victolero, ang assistant ni playing-coach Sen. Manny Pacquiao.

Kinabukasan sa MOA Arena naman magpapangita ang Blackwater at NLEX, at ang Ginebra at GlobalPort, sa Linggo sa Big Dome ang Phoenix at defending champion San Miguel Beer, pati ang Bolts at Alaska;

Kukumpleto sa binya­gan ang Rain or Shine-Tropang TNT sa Miyerkules sa Quezon City playing venue rin tapos ng komprontasyon ng Batang Pier-Enforcers.­ ­