Una sa Balita

PBA: NALUBAK SA GINEBRA

By
0 8

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Co­liseum)
4:30 p.m. — Blackwater vs. Phoenix Petroleum
6:45 p.m. — Meralco vs. Kia
 
Kumaskas sina Justin Brownlee at Greg Slaughter ng double-double job upang maharabas ang third consecutive victory sa PBA Governors’ Cup elims, binundol ang NLEX sa Petron Blaze Saturday Special ng PBA Governors’ Cup elims na napadpad kagabi sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.

Lumaklak ang Gin Kings import ng 22 points at 13 rebounds kakabit pa ang 6 assists at four blocks at steals sa 38:29 job, habang sa 24:34 play niya off-the-bench tumoma ang seven-foot slotman ng 10 pts. at 11 rebs. para makapag-isa ang kanilang team sa fourth sa 3-1.

Nahaltak ang natambakan ng 22 points sa fourth quarter na Road Warriors sa third sa standings sa 4-1. Ito’y sa kabila na nakaposte ang NLEX ng 12-2 lead sa opening period at dalawang beses na abante ng 11 sa second quarter, huli sa jump shot ni JR Quiñahan, 39-28, 6:29 sa gameclock.

Mga bagong leaders sa 3-0 win-loss record ang Meralco at Star sa 42nd (2016-2017) season-ending conference.

Sa pagbabalik nga­yon ng hostilidad sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City, ipagpapatuloy ng Meralco ang maboltaheng performance sa pagtudla ng fourth straight win laban sa nasa ilalim na Kia para masolo ang liderato.

Isusunod ng Meralco sa mga naunang biniktimang Blackwater (107-78), Ginebra (93-78) at Rain or Shine (89-73) ang kasalpukan sa 6:45 evening na winless pa sa four games na Kia (0-4), pangungunahan ni Markeith Cummings.

Sa 4:30 p.m. magsasabong ang Eugene Phelps-led Phoenix Petroleum (2-2) at magpaparada ng balik-import na Blackwater (0-3), si NBA journeyman Henry Walker.

Sinira ng Bolts ang gabi ni James Yap na sumapi sa PBA’s 10,000 points club nang maka-triple sa third quarter sa huling ragasa na minaniobra nina reigning Best Import Allen Durham – naka-double-double 23 points at 23 rebounds pang-ibabaw sa 8 assists, — at Jared Dillinger na may 16 pts. at 3 rebs.

Aahon ang Phoenix mula sa back-to-back loss sa mga kamay ng NLEX (91-95) at GlobalPort (91-100) makaraang alpasan ang Alaska (95-93) at sagasaan ang Picanto (118-105).

Sa ayaw na humaba naman sa apat ang pagkaligwak, sinibak na ng Elite ang may groin injury na si Trevis Simpson at itatapat si Walker­ kay Phelps. Unang nag­laro sa liga si Walker sa Alaska noong 2014 at noong isang taon sa NLEX.