Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

PBA makakabawi sa 2 conference

0 30

MAS maganda ang two-conference Season 46 para makabawi kahit paano ang PBA at 12 teams sa gastos.

Tatagal ng apat na buwan ang Philippine Cup.

Base sa unang plano, magkakaroon ng tatlong linggong break bago isunod ang Governors Cup na aabutin naman ng anim na buwan.

Ang tanong na lang ay kung kailan mauumpisahan. Scratch na ang April 18 na opening, mas malamang sa May na magsisimula ang 46th season.

Malaki ang nawala sa liga nang malimitahan sa all-Filipino lang ang nakaraang season sa ilalim ng bubble format sa Clark, Pampanga. Sinasabing umabot daw sa P65 million ang ginastos.

SM food to go Banner Ad

Para sa isang governor, pinakamainam ang dalawang conference pero sa semi-bubble.

“’Yun ang pinaka-ideal, dalawang conferences na hindi bubble type,” anang source. “Magastos ‘yung mag-bubble. Kung dalawang conferences na hindi bubble-type, medyo makakabawi-bawi na kami doon. Hindi na kami masyadong dehado.”

Pero kaysa tuluyan nang hindi matuloy ang season, mas maganda nang magkaroon ng isang conference ulit kahit sa bubble na naman.

Last option na ang bubble.

“Okay lang, basta matuloy lang,” kambiyo ng team representative. “We’re ready to go into a bubble, lalo na ngayong may experience na kami. ‘Pag nagkagipitan, baka one conference na naka-bubble ‘yan. Pero hindi pababayan na mag-zero ang PBA.” (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.