Una sa Balita

PBA Legends sa Australia

0 437

Lumipad nitong Huwebes pa-Australia ang PBA Legends sa pangu­nguna ng inyong lingkod, Jerr­y Codiñera po, kasama sina Allan Caidic, Jojo Lastimosa, Noli Locsin, Bal David, Willie Miller, EJ Feihl at Nelson Asaytono.

Pagkalabas namin sa Sydney Internationl Airport ay sinalubong kami ng mainit na pagtanggap ni ex-PBA player Joey Loyzaga, lead promoter Joey Jose Lopez, Jamie Uy, Jerson Cruz at iba pa.

Sa gutom, tumuloy agad ang grupo sa Panlasang Pinoy resto para mag-almusal sabay tanghalian kasama ang event organizers, fans at mga customer.

Hinandaan kami ng sinigang na salmon, tortang talong, pritong bangus, pork bbq at kung ano-ano pa.

Hindi kami agad nakapag-check-in sa kadahilanang 3:00pm pa ang availability ng bahay dito sa Bexley Air BnB.

Nagkasya naman ang grupo.

Pagkatapos naming kumain, niyaya pa kami ng isang Filipina na may-ari ng isang salon na GLAM kung meron gustong magpa-trim ng buhok.

So ayun, sumubok kami nina EJ Feihl, Nelson Asaytono, Bal David, Jolas at Allan Caidic. Maayos naman at naging masaya rin ang naging resulta sa salon.

Siyempre para hindi masayang ang tatlong oras namin sa paghihintay, pumunta na ang Team Legends sa Sydney Opera House.

Hindi kumpleto ang biyahe mo sa Sydney kapag hindi ka nakapunta sa Opera House.

May kahirapan din pagdating sa paradahan ng mga van na sumundo sa grupo kaya naglakad kami nang halos kalaha­ting kilometro.

Hindi ka mababagot dahil ang ganda ng kanilang pier, nakahilera ang mga restos, bars at cafe. Meron din tayong nakitang luxury cruise ship.

May kakaibang anyo ang Sydney Opera House, bukod tangi ang disenyo niya, well maintained at ang daming turista ang pumapasyal at nagpapakuha ng litrato sa lugar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy