Una sa Balita

PBA: Gins babangga sa ‘Beast’

By
(Jhay Jalbuna)
0 9

Laro sa Biyernes (Quezon Convention Center, Lucena)

7 p.m. – Meralco vs. Ginebra

Kagagaling lang ng Ginebra sa isang mahigpitang laban. 

Mas malaking giyera ang inaasahan ni coach Tim Cone sa sandaling harapin ng kanyang Kings ang Meralco sa rematch ng kanilang PBA Governors Cup title duel umpisa sa Biyernes sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

“So we move forward. We go back at Meralco and wow! They’re playing awesome basketball,” sabi ni Cone matapos talunin ng kanyang Ginebra ang TNT 115-105 noong Linggo para selyuhan ang best-of-five semifinals duel 3-1.

Noon pang Huwebes nakapasok ang Bolts sa best-of-seven championships, nangailangan lang ng tatlong laro para walisin ang Star sa kanilang semis matchup.

“So they’re going to be prepared and ready,” wika ni Cone. “We’ll have quick turnaround.

They’ve been resting. They’ll have an early edge in the first couple of games, maybe, but I think we can get our legs going as the series progresses.”  

Pinakamalaking problema kay Cone ang magandang inilalaro ng Bolts sa pangunguna ni import Allen Durham.

“My God, their import is a beast,” sabi ni Cone kay Durham na dala-dala ang averages na 27.8 points at league-best 19.36 rebounds at 7.09 assists kada laro.

“We dont have a matchup but we’ll try to figure out something for him,” wika ni Cone. “They’re really playing well. Baser (Amer) and (Chris) Newsome, they’re all playing very, very well. (Jared) Dillinger shooting the lights out. Coach Norman (Black) really has that team playing the way it should be. Ranidel (de Ocampo) is there too, I forgot.”