Una sa Balita

PBA: DEPLETED BOLTS BUMANGON

By
Pilit sinusundot ni Dylan Ababou ng Phoenix ang bola kay Jared Dillinger ng Meralco Bolts, habang nakaabang si Willy Wilson at ang nakamaskarang si Kelly Nabong sa PBA Governors’ Cup action ­kagabi sa Araneta Coliseum. Panalo ang Meralco 107-104. (PBA)
0 0

Mga laro bukas: 
(Araneta Coliseum) 
4:30 p.m. — GlobalPort vs KIA 
6:45 p.m. — Rain or Shine vs TNT 

Kulang sa sandata ang Meralco subalit nanatiling malakas ang kanilang boltahe matapos nilang pasukuin ang Phoenix, 107-104 kahapon sa PBA Go­vernors’ Cup Araneta Co­liseum. 

May injury si Cliff Hodge, nasa national team naman sina playma­kers Baser Amer at Mike Tolomia, naging matatag ang Bolts sa homestretch upang ilista ang 5-1 karta at kumapit sa segundo puwesto ng team standings.

Kumayod si import Allen Durham ng all-around performance matapos irehistro ang 33 points, 16 boards at pitong assists para sa Meralco na ipinalasap sa Fuel Masters ang four-game skid. 

Napako ang Phoenix sa dalawang panalo (2-4). 

Ipinakita ni Garvo Lanete ang kanyang tikas, nagtala ng 27 puntos, apat na rebounds at tigalawang assists at steals kasama ang anim na triples para sa Meralco. 

Bukod sa depensa, kumana rin si Bolts guard Chris Newsome ng 18 markers, walong rebounds at anim na assists. 

“Just an incredible effort from our guys tonight,” saad ni Bolts coach Norman Black. “We had to deal with a lot of adversity in this game.” 

Naghahabol sa third period, umiskor ang Bolts ng 12 points sa kaagahan ng fourth para hawakan ang 96-87 abante. 

Pumalag muli ang Fuel Masters, humarurot naman sila ng 12-3 run upang itabla ang iskor sa 99. 

Subalit niligtas ni Durham ang Meralco. 

Nabigo naman ang u­nang laro ni Phoenix import Brandon Brown, nasayang ang tinikadang 38 points at siyam na boards. 

Bumira rin si Jeff Chan ng 27 puntos, limang assists at tig-apat na rebounds at steals para sa Phoenix.

Mga iskor: 

MERALCO 107 — Durham 33, Lanete 27, Newsome 18, Hugnatan 15, Caram 7, Nabong 4, Dillinger 3, Faundo 0, Chua 0, Atkins 0, Sedurifa 0 

PHOENIX 104 — Brown 38, Chan 27, J. Wilson 12, Jazul 9, Eriobu 7, Alolino 4, Dehesa 3, Intal 2, Kramer 2, W. Wilson 0, Ababou 0 

Quarterscores: 26-19, 48-57, 75-84, 107-104.