Una sa Balita

PBA D-League Draft ngayong Enero 14 na

0 538

Magkakaroon na ng PBA D-League Draft sa Enero 14, 2019. Ito ay katulad ng PBA Draft kung saan mamimili ang mga koponan sa PBA D-League players mula sa iba’t ibang eskuwelahan para makasama sa darating na liga sa February 14, 2019 sa Yñares Center sa Pasig at AMA Online ang may unang overall draft pick.

Hanggang ngayon ay naghihintay parati ang mga team ng listahan ng players na magpapa-draft sa PBA D-League para sa ganun ay makapili mabuti ang mga team ng players na magtutugma sa kanilang sistema.

Gaya halimbawa ng AMA school-based team ay pipili ng isang all around player na gaya ng nakuha namin dati sa katauhan ni Jeron Teng sa kadahilanang ang school-based team ay may anim lang na players na mangagaling sa ibang eskuwela o draft.

Sa simula pa lang ang koponan naming AMA ay hindi kumukuha ng foreign player sa team sa kadahilanang gusto namin mabigyan ng chance ang Pilipino players na makaakyat ng PBA.

Kasi ang mga foreign players ay wala naman chance na makaakyat ng PBA dahil na rin sa walang sawang supporta ng aming AMA Chairman Amable R. Aguiluz V, President Amable C. Aguiluz IX at Senior VP Arnel Hibo na kung hindi rin dahil sa kanila wala ring mangyayari sa programang aking ipinapatupad sa sports.

***

Nagiging maganda ang labanan ngayon sa NBA at patuloy ang magandang ipinapakita ng Toronto Raptors, Los Angeles Lakers, Golden State Warriors pati na rin Houston Rockets.

Pero bilang isang LeBron fan, napatunayan na naman niya na kung saan siya pumuntang team ay nagiging automaic champion caliber team.

Pero gaya rin dati, kailangan niya ng mga kasama na tutulong sa kanya gaya din namn ng legendary na si Michael Jordan na kailangang may Scottie Pippen at Denis Rodman para kumuha ng bola at dumipensa.

Iba rin ang ipinapakita ng Golden State Warriors dahil na rin sa kanilang solidong line up at nadagdagan pa sila ng isang all star player na si Cousins.

Napakaganda ng lipat ni Kawhi Leonard sa Toronto Raptors kasi hindi mahirap sa kanila na mag-blend agad sa bawat isa dahil patuloy ang kanilang pag-angat sa kanilang bracket kaya hintayin natin ang ibang team kung lalakas pa sila dahil sa deadline ng trade ng mga player.

***

Magre-resume na ang Breakdown Basketball na ginaganap sa Ateneo Moro Lorenzo gym na pina­ngungunahan ng AMA 16-Under Basketball team na may 3-0 record sa standings.

Napakaganda ng ligang ito na sinasalihan ng malalaking eskuwelahan sa Metro Manila na pina­ngungunahan ni Jay Adevoso, Gil Salandanan at Wilson Lagaras na pawang beterano sa larangan ng pagbubuo ng liga para sa grassroot level.
***

Binabati ko si Ma’am Edna Magpayo, sister-in-law ng aming AMA high school athletic teacher adviser na si Ma’am Ruth Paner-Magpayo, ng welcome back from Canada.

Salamat na rin sa mga chocolate na kanyang pasalubong sa amin. Mabuhay po kayo at stay healthy po.

Binabati ko rin ang All Jubilarians of St. Theresa’s College-Quezon City ni Ma’am Michelle Garcia of Class 1984. Mabuhay po kayo!

Binabati ko nga pala si Boss Paolo Duterte, Atty. Mans Carpio, Mayor Sara Duterte at Baste Duterte na patuloy sa pagtulong sa mga taga-Davao sa kanilang mga proyekto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy