PBA: Castro ‘import’ ang impact

By

Lumarong parang import si point guard Jayson Castro upang tulungan ang Talk ‘N Text na isampa sa Championship round sa 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Naglalarong may injury sa paa ang reinforcement ng KaTropa na si Joshua Smith, kumayod si 5-foot-8 Castro ng 38 points, 11 assists at pitong rebounds upang patalsikin ang crowd favorite Barangay Ginebra 122-109 sa Game 4 semi­finals noong Sabado.

Tinarak ng TNT ang 3-1 karta matapos ang best-of-five semis series upang ibalik muli sa finals ang KaTropa.

Tumikada si 30-year-old Castro ng 10 sa team’s 17 points sa fourth quarter upang biguin ang Gin Kings at mga fans.

Dahil sa panalo haharapin ng TNT ang San Miguel sa Finals bukas, (Miyerkules).

Hindi naman nagda­lawang isip ang mga hurado para ibigay kay ‘Blur’ (Castro) ang PBA Press Corps Player of the Week para sa buwan ng Hunyo 13-18 kung saan ay inungusan nito sina San Miguel vete­rans June Mar Fajardo, Alex Cabagnot at Chris Ross para sa weekly citation.

Sisikapin ng KaTropa na tuldukan ang kanilang two-year title drought, hu­ling panalo nila sa PBA noong 2015 Commissioner’s Cup, ang hugot nila ay si Ivan Johnson.

SHARE