Una sa Balita

PBA: Bolts kinuryente ng Elite

By
0 105

Eighth lang ang Blackwater pagkatapos ng elimination round ng PBA Governors Cup, pero nang maglaro ang Elite ni Leo Isaac kagabi ay parang nasa kampeonato na sila.

Ga-buhok na tinakasan ng Elite ang Meralco, 92-91, sa Mall of Asia Arena para sagarin ang twice-to-beat advantage ng Bolts na tumapos sa No. 1 pagkatapos ng 11-game eliminations.

Head-on collision ang magkatunggali sa Game 2 sa Huwebes, Sept. 28, sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi bumitaw sa trangko ang Blackwater, tinapos ang bawat quarter na nasa unahan bagama’t maninipis lang – huli sa 63-62 pagkatapos ng three.

Nakabawi pa ang Meralco sa fourth, pero hindi nasiraan ng loob ang Elite.

Inilista ni Allein Maliksi ang last 4 points ng Blackwater, huli ang bitaw sa tuktok na nagbigay sa kanila ng cushion. Tumapos si Maliksi ng 15 points, pang-ayuda sa 30 markers ni Henry Walker at 20 pa ni Mike DiGregorio. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy