Una sa Balita

PBA: BOLTS KINURYENTE ANG ELITE

By
Mula sa likod ay biglang sumulpot si Kyle Pascual ng Blackwater para pigilan si Jared Dillinger ng Meralco, habang nakatingin si Travis Simpson ng Blackwater sa aksyon kagabi sa PBA Governor’s Cup sa Arenata Coliseum. Panalo ang Meralco, 107-78. (Patrick Adalin)
0 0

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
3:00 p.m. — NLEX vs. Kia
5:15 p.m. — Phoenix vs. Alaska

Humaharurot ang wangwang na tinungkab ng Meralco ang kampanya kagabi sa PBA Governors’ Cup, sinagasaan sa first quarter pa lang tungo sa 107-78 paglunod sa Blackwater sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi si Allen Durham ang top-scorer sa balanseng atake ng Meralco kundi si Baser Amer na may team-high 20 na may patong pang eight assists, six boards, one steal at walang turnover sa 27 minutes job para samahan ng kampo niya sa triple-tie sa tuktok ang opening day winners Phoenix Petroleum at NLEX.

May desente pa ring kontribusyon ang reigning Best Import para sa Bolts na may 18 pts. at 20 rebs. Ang magarang nilaro ng local crews ang hindi pagpuwersa sa kanya na tumodong kayod.

Ang dating kakuwadra ni Amer sa San Beda College na si Garvo Lanete ang isa sa nagpasiklab din na iniskor ang lahat ng kanyang 15 points sa 3-points shots.

Sa tamang diskarte sa enggrande debut, walang pagsidlan ng kasiyahan si Norman Black.

“It’s exactly the type of start we hoped for,” nakangiting giit ng Bolts coach na sumegunda last season sa Ginebra rito. “We played well in our last two exhibition games.”

Ayos lang din sa kanya kung nakapokus ang lahat sa grandslam-seeking San Miguel Beer at Ginebra habang background lang sila.

Nakaposte pa sina Jarred Dillinger, Chris Newsome, at Cliff Hodge ng 14, 13, at 11 pts. sa Meralco, ayon sa pagkakasunod, na 32-15 nirolyo ang first quarter at 63-34 ang halftime break.

Naka-25-puntos at walong boards si Travis Simpson sa hanay ng Elite. Pero si Bambam Gamalinda lang ang nakaagapay ng import sa opensa sa nasalok na 10.

Ang iskor:

First game

Meralco 107 — Amer 20, Durham 18, Lanete 15, Dillinger 14, Newsome 13, Hodge 11, Hugnatan 4, Nabong 4, Caram 2, Yeo 2, Sedurifa 2, Faundo 2, Chua 0, Atkins 0.

Blackwater 78 — Simpson 25, Gamalinda 10, Sena 7, Cruz 7, Digregorio 6, Sumang 5, Erram 4, Canaleta 3, Pascual 3, Aguilar 2, Miranda 2, Banal 2, Cervantes 2, Buenafe 0, Pinto 0.

Quarters: 32-15, 63-34, 88-52, 107-78.