Una sa Balita

PBA: BLACKWATER BALIK-PANALO

By
0 10
Hinawi ni Geron Johnson ng Kia Picanto si KG Canaleta ng Blackwater Elite sa PBA Governors’ Cup action kagabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo City. Panalo ang Blakwater 118-97. (PBA image)

Laro ngayon:
(AUF Sports Arena, Angeles City)
5:00 p.m. — San Miguel Beer vs Alaska

Nakabangon agad ang Blackwater sa pagkakadapa matapos kawawain ang KIA, 118-97 kahapon sa PBA Governors’ Cup on sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Umarangkada agad nang todo ang Elite, kung saan ay milya-milya ang kanilang lamang sa first half, 70-31 upang ilista ang 4-4 karta at pahabain ang kalbaryo ng Picanto na bokya sa walong laro.

Nasa line-up na ng Blackwater sina Chris Ellis at Dave Marcelo,­ pero hindi pa sumalang, matapos ma-trade kamakalawa kapalit nina Art dela Cruz at Raymund Aguilar.

Tumikada si Bill Walker ng 25 points, 11 boards at pitong assists habang si JP Erram at Mike DiGregorio ay kumana ng tig-16 puntos para sa Blackwater na tumindig agad sa pagkatalo nila sa TNT KaTropa noong Miyerkules.

Binigo rin ng Elite ang unang laro sa PBA ni Kia import Geron Johnson.

“We noticed we lacked energy against TNT and ‘energy’ was the word we needed in this game,” wika ni Elite coach Leo Isaac. “And true enough, we showed good energy­ offensively and defensively and dictated tempo most of the game.”

Kumana rin ang Elite ng franchise-record na 19-of-39 triples para sa 49 percent.

Tigalawang treys ang sinalpak nina Walker at KG Canaleta habang nagdagdag si DiGregorio ng dalawang tres.

Mga iskor:

BLACKWATER 118 – Walker 25, DiGregorio 16, Erram 16, Cana­leta 13, Banal 12, Sumang 9, Pinto 8, Gamalinda 7, Belo 6, Pascual 4, Sena 2, Cruz 0, Miranda 0

KIA 97 – Johnson 28, Paniamogan 17, Yee 14, Corpuz 11, Khobuntin 8, Elorde 5, Celda 4, Salva 4, Deutchman 3, Revilla 2, Camson 1, Caperal 0, Jaime 0, Nimes 0, Ballesteros 0

Quarterscores: 40-21, 70-31, 96-62, 118-97.