Una sa Balita

PBA: Batang Pier umiskor ng second win

By
Napilitan si Glenn Khobuntin ng Kia Picanto na ipasa ang bola nang biglang harangan ni Sean Anthony ng GlobalPort kagabi sa PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum. Panalo ang GlobalPort 102-90.
0 2

Mga laro sa Miyerkules:
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. — Alaska vs Blackwater
7:00 p.m. — Star vs Phoenix

Nagtulong sina import Murphy Holloway at local Stanley Pringle upang ikarga ng GlobalPort Batang Pier ang 102-90 panalo laban sa nagkukumahog na KIA Picanto kahapon sa PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum.

Inako muna ni Pringle ang pagtitimon ng plays para sa Batang Pier habang wala pa ang pambato nilang si Terrence Romeo na nasa Gilas Pilipinas sa 2017 FIBA Asia Cup sa Lebanon.

Kumayod si Holloway ng 29 points, 18 boards at tigatlong assists at blocks habang may 21 puntos si Pringle para sa GlobalPort na may 2-2 karta.

Hindi naman nagpabi­gat sa team ang bagong saltang si Mac Baracael, nakapagtala ito ng 13 markers para sa Batang Pier.

Umarangkada ng 11-0 run ang Batang Pier sa pagbubukas ng fourth quarter kasama ang tres ni Baracael upang hawakan nila ang 16-point lead, 85-69.

Subalit pumalag ang Picanto sa huling minuto matapos ibaba sa anim na puntos ang kanilang hinahabol.

Pero hanggang doon na lang ang kinaya ng KIA at tuluyan nilang nalasap ang seven-game skid.

“The three-week layoff was hard. We were sluggish in a way that we were rushing things,” saad ni GlobalPort coach Franz Pumaren. “And it’s so hard playing Kia. The way they’re playing is stress-free.

Ayon pa kay Puma­ren medyo ginagamayan pa niya ang kanyang mga bagong players.

“I’m still adjusting with my new players,” patungkol ni Pumaren kina free-agent recruits Paolo Hubalde at Robby Celiz at Baracael.

Kumana si reinforcement Markeith Cummings ng 37 points, anim na rebounds at dalawang assists para sa Picanto na patuloy ang paghahanap ng kanilang unang panalo.

Mga iskor:

GLOBALPORT 102 – Holloway 29, Pringle 21, Baracael 13, Cortez 10, Anthony 8, Pennisi 6, Arana 6, Guinto 5, Hubalde 4, Celiz 0, Grey 0, Forrester 0.

KIA 90 – Cummings 37, Celda 15, Elorde 9, Camson 9, Paniamogan 6, Revilla 6, Salva 4, Caperal 2, Jaime 2, Corpuz 0, Ballesteros 0, Khobuntin 0, Yee 0, Deutchman 0.

Quarterscores: 28-21, 49-48, 74-69, 102-90.