Una sa Balita

PBA: BATANG PIER SA QUARTERS

By
Hindi lang sa opensiba naging mainit ang kumamada ng mga career high eight 3-point shots at 44 points na si Terrence Romeo kundi maging sa depensa sa pag-harass kay Jericho Cruz kaya dinemolis ng GlobalPort ang Rain or Shine kagabi sa PBA Philippine Cup elims sa Cuneta Astrodome. (Jhay Jalbuna)
0 3

Binalikwasan ng GlobalPort ang second quarter 10-point deficit sa naglalagablab na third-fourth quarter perfor­mances nina Stanley Pringle at naka-career-high 44 points, career-best eight triples Terrence Romeo para sa 117-99 demolis­yon sa Rain or Shine kagabi.

Sa pagkalso sa back-to-back loss, sinakop ng GlobalPort ang sixth quarterfinals berth sabay-akbay triple-tie para sa fourth place sa standings sa mga pasok na rin sa next phase na Phoenix Petroleum at TNT KaTropa.

Nasa quarters na rin ang umookupa ng 1-2-3 na two-time defending champion San Miguel (10-1), Alaska Milk (6-4) at Star (6-4).

Humaba ang bangu­ngot ng RoS sa tatlo at pansamantalang hinana­yan ang Ginebra sa se­venth spot bukod pa sa nameligro itong makasulong agad sa Last Eight.

Dalawang free throws ni Chris Tiu ang nagbigay sa Elasto Painters ng biggest lead sa ballgame, 31-21, 9:19 sa gameclock patungo sa 50-all sa half­time break sa 2-pointer ni Romeo.

Sa third, tinipa ni Pringle ang 11 points sa kanyang 28 sa 25-15 blitz ng kanyang kampo pa-75-65 edge sa rolyo ng yugto, habang sa final stanza kinamada ni Romeo ang 19 sa 44 pts. niya tampok ang 3-pointer sa final 1:14 at nagpalobo sa 23 na abante ng GP.

“It’s a Terrence Romeo-Stanley Pringle story, but, of course, you have to give credit also to our defense,” ani Batang Pier coach Franz Pumaren. “Our guys were able to step up.”

Naka-26 markers si Jeff Chan para sa Elasto Painters.