PBA: ALASKA TINISOD NG PHOENIX

By

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
3:00 p.m. – Blackwater vs Star
5:15 p.m. – San Miguel vs Rain or Shine

Kumayod si import Jameel McKay ng 42 points at 22 rebounds para tulungan ang Phoenix na silatin ang liyamadong Alaska, 94-86 kahapon sa 2017  PBA Commissioner’­s Cup sa Smart-Araneta Coliseum.

Nakipagsabayan ang Fuel Masters sa unang tatlong quarters bago kumalas sa kalagitnaan ng fourth period upang makuha ang pangatlong panalo sa pitong salang.

Nasa unahan ang Phoenix, 70-66 pero humarurot sila ng 8-0 run para makuha ang 78-66­ bentahe matapos ang dunk ni McKay may 5:52 minuto na lang sa fourth canto.

Tumikada si Cyrus Baguio ng 12 puntos habang may 10 markers at walong assists si RJ Jasul para sa Phoenix.

Maagang uminit ang Fuel Masters, hinawakan nila ang 42-36 lead sa halftime, sa third kumapit lang sila para manatili ang manibela, 66-62 sa kanilang panig.

“Jameel is getting better every time. We know how to play with him. He’s our go to go. He plays defense. He goes hard every time,” pahayag ni head coach Ariel Vanguardia.

Nirehistro ni reinforcement Cory Allen Jefferson ang 31 pts. at 13 boards para sa Aces na nalasap ang pangalawang talo sa anim na laban.

Samantala, puntirya ng San Miguel Beer na tunggain ang five-game winning streak habang nais tuldukan ng Star ang kanilang two-game slide.

Tangan ang 4-0 card, haharapin ng Beermen ang defending champio­n na Rain or Shine Elast­o Painters ngayong alas-5:15 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Katapat ng Hotshots, (4-2) ang Blackwater Elite, (1-5) sa unang sultada, (3 p.m.).


SHARE