Una sa Balita

PBA: 5 luma at 7 bagong import sa Governors’ Cup

By
0 9

May limang old reliables at pitong new faces ang bubuo sa American import batch para sa 17th PBA Governors’ Cup 2017 na magbubukas sa Miyerkules, Hulyo 19 sa Araneta Coliseum.

Ang mga lumang mukha ay sina LeDontae Henton ng Alaska Milk, Justin Brownlee ng Ginebra, Allen Durham ng Meralco, Eugene Phelps ng Phoenix Petroleum,  at Wendell McKines ng San Miguel Beer.

Habang ang mga bagong salta ay sina Trevis ‘Jemar’ Simpson ng Blackwater, Jabril Trawick ng GlobalPort, Chane Behanan ng Kia Picanto (dating ­Mahindra Floodbuster), Aaron Fuller ng NLEX, James Weatherspoon ng Rain or Shine, Cinmeon Bowers ng Star at Michael Craig ng TNT KaTropa.

Second straight tour-of-duty na ito ni Henton tapos maglaro na rin sa Aces noong isang taon,  habang third conference ni Brownlee na giniyahan sa korona ang Gin Kings dito sa nagdaang taon at sumalang pa sa katatapos na mid-season Commissioner’s Cup.

Pangatlong taon na ni Durham sa unang Asia’s play-for-pay hoop makaraang mag-Air21 at Barako Bull noong 2014 at Bolts sa nakalipas na taon, samantalang si Phelps ay nasaksihan na rin sa Fuel Masters sa 2016 season-ending tournament na ito at at naka­isang game sa 2017 Commissioner’s Cup.

Unang nasilayan sa McKines sa Alaska noong 2013 na hinatid niya sa seventh place finish bago nag-Elasto Painters na natrangkuhan niya sa tersera noong 2015.

Produkto ng UNC-Greensboro ang 25-year-old at nakalaro na sa Greece at France na si Simpson; 25-anyos rin, mula sa Georgetown Hoyas at miyembro ng Sioux Falls Skyforce na nag-champion 2016 NBA D-Leaue na si Trawick.

24 na taong-gulang si Behanan na miyembro ng Louisville Cardinals na naghari sa 2013 US NCAA ­Division I at paparito’y nakapaglaro na rin sa NBADL, Mexico at Puerto Rico; mula sa Univ. of Iowa, sumalang na rin si Fuller, 27, sa mga liga sa Portugal, New Zealand at Mexico; ito na ang third foreign travel ng Toledo College standout, at 24 years old na si Weather­spoon makalipas mag-Finland at Norway; 24 pa lang din at former Auburn Tiger na nag-average ng 18.1 points, 9.6 rebounds at 2.3 assists sa Israel league si Bowers; at si Craig nama’y pagka-graduate sa Mississippi naghasa sa Korea pa-PBA.