Una sa Balita

PAYONG KAPATID: Sex lang ang gusto

By
0 40

Dear Kuya Rom,

Sobrang nasaktan siya sa panloloko sa kanya ng dati niyang girlfriend nang magkakilala kami.

Naging friends kami for 6 months, at may 1 year nang may relasyon kami ngayon. Mas bata siya sa akin, 2 years ang agwat namin.

Siya ay masipag sa work niya, romantiko siya, magaling ­magpatawa. May nakarelasyon ako noon at nanlamig, hindi ­kasing init ng relasyon ko sa boyfriend ko ngayon.

Ito yata ang pinakamasarap na sex na naranasan ko. Talagang in love ako sa kanya.

Mahabang oras na nasa work siya, kaya bihirang magkita na kami ngayon. Lagi siyang puyat, at kung nagkikita kami, napapansin kong hindi dahil gusto niya akong makita kundi gusto lang niya ay sex.

Pagkatapos nito, tutulugan na niya ako.Ayaw ko ang relasyong walang love at walang commitment.

Kaya pinutol ko ito. Nakipag-break ako sa kanya, at hindi na kami nagkita. Natahimik siya, 1 month na wala siyang communication sa akin.

Nga­yon, 6 months nang nagte-text siya at nangungumusta.Last week, nag-text siyang magkita kami.

Nami-miss raw niya ang mainit na sex namin. Nagpaparamdam na bigyan ko siya ng second chance.

Hindi ko siya sinagot.Madali akong bumigay sa gusto niya noon. Nga­yon, nagdadalawang-isip ako. Pagbibigyan ko ba siya?

May love and commitment na kaya siya? Tawagin mo na lang akong Sally, Kuya. Nalilito ako. Iba na kasi ang situation ko ngayon. May ibang boyfriend na ako. Anong gagawin ko? — Sally

Dear Sally,

Maliwanag ang text niya sa iyo  wala siyang love and commitment, nami-miss lamang niya ang sex, hindi ikaw.

Ang init ng pagsasama ninyo noon ay lumikha ng nakakabaliw na damdamin, pero ito ay pita ng laman, hindi pag-ibig.Pagbibigyan mo ba siya? Hindi.

Sapagkat isip-bata pa rin siya. Ang text niya sa iyo ay nagpapa­hiwatig lamang ng makasariling pangangailangan ng kanyang laman, at walang ipinadadamang tunay na pagmamahal sa iyo.Kaya huwag ka nang umasa pa.

Mabibigo ka ­lamang. Mabuting kalimutan mo siya ng lubos. Itanim mo ito sa iyong puso: Ang tunay na pag-ibig ay hindi sex lamang.

Maganda ang ginawa mong pakikipagkalas sa kanya. Magbibigay ito sa iyo ng pagkakataong maka­tagpo ang lalaking magmamahal sa iyo ng tunay.

Samantala, bigyan mo ng respeto at proteksiyon ang iyong sarili. Kilatisin mong mabuti ang ­ugali at pagkatao ng sinumang lalaking magpapakita ng ­interes sa iyo.

Piliin mo ang lalaking may takot at pananalig sa Dios. Ito ay lalaking igagalang at iingatan ka, at gagawin niya ito hindi lamang dahil totoong mahal ka niya kundi, higit sa lahat, mahal niya ang Dios at namumuhay siya ayon sa kung ano ang kalugud-lugod sa Panginoon.

Siya ang lalaking piliin mong magdala sa iyo sa harap ng altar, pakasalan ka, at maranasan ninyong dalawa ang kaligayaha at kaga­lakang dulot ng maka-Dios at malinis na ­pag-iibigan. God bless you!

Payong kapatid, Kuya Rom