Una sa Balita

Payong Kapatid: Para masaya ang Pasko

By
0 10

Dear Kuya Rom,

Dalawa lang kaming anak ng mga magulang namin, ang kuya ko at ako. Noong bata kami, very close kami sa isa’t isa. Noong teenager kami, close pa rin kami na parang boyfriend ko siya. Nabago lang ang sitwasyon nang mag-asawa si kuya.

May sarili kaming bahay at dito ako nakatira, kasama ang dalawang pinsan. Pagdating ng Pasko, umuuwi sila sa probinsiya. Ang tatay at nanay namin ay nagtatrabaho sa ibang bansa at paminsan-minsan nagpa-Pasko sila sa ‘Pinas. Pero bihirang mangyari. Nag-uusap lang kami sa Viber, Facebook o Skype. Kaya madalas na mag-isa ako sa bahay tuwing pasko. Single and lonesome.

Gusto kong kasama sana sa Pasko si kuya, pero hindi ako malapit sa asawa niya. Kapag bumibisita ako sa kanila, ang trato niya sa akin ay parang isang bagay na nakakaistorbo sa kanya. May isang anak na sila at gusto kong makilala ng bata ako na auntie niya.

Sabi ni kuya, huwag ko nang ipilit na mag-Pasko ako sa kanila at baka maging dahilan lang ito ng away nilang mag-asawa. Ayaw ni kuya na makita ng misis niya na kaming magkapatid ay sobrang malapit sa isa’t isa.

Hindi ba ang Pasko ay para minsan isang taon ay nagkikita at may konting salu-salo ang pamilya? Pero dahil mag-isa lang ako sa bahay, Christmas is very depressing to me.

Kuya, immature ba ako para maglambing sa kapatid ko? Ano ang puwede kong gawin para masaya ang Pasko? — Amy

Dear Amy,

Una sa lahat, isapuso mong ang pasko ay special birthday celebration ni Jesu-Cristo na isinilang sa lupa bilang Tagapagligtas. Ang Pasko ay araw ng pagdiriwang, pananalangin at pasasalamat sa Kanya. Magiging tunay na maligaya lamang ang pasko kung ang pagdiriwang ay nakasentro kay Cristo. Kung walang Cristo, walang kabuluhan ang Pasko. Sa lahat ng mga Cristiano, Christ is the reason for the season.

Pangalawa, bumili ka ng Bible at basahin mo ito. Una mong basahin ang Matthew, Mark, Luke, John. Dito mo mauunawaan ng maliwanag kung sino si Cristo. Magkakaroon ka ng matibay na pananalig sa Kanya. Ang buhay mo ay magbabago at magiging mature ka. Matututunan mong mamuhay ayon sa buhay na plano Niya para sa iyo. Ang bawat araw mo ay magiging Pasko kapag si Cristo ay naghahari bilang Panginoon sa puso mo.

Pangatlo, kausapin mo ang kuya mo. Mangako ka sa kanya na hindi ka na magiging close sa kanya tulad ng dati na parang boyfriend mo siya, alang-alang sa misis niya. Sabihin mo sa kanya na mature ka na ngayon at alam mo na ang nararapat na kilos ng isang dalaga. Ipa­ngako mo sa kanya na magbibigay ka lang ng regalo sa kanila, lalo na para sa pamangkin mo at fifteen minutes ka lang sa kanila. Tandaan mo, wika ng Panginoon, “It is more blessed to give than to receive.”

Nawa’y magiging maligaya at makabuluhan ang Pasko sa iyo mula ngayon. May you have a blessed Christmas. God bless you!

Payong kapatid,
Kuya Rom