Una sa Balita

PAYONG KAPATID: Gusto ko siyang bumalik

0 37

Dear Kuya Rom,

Ako ay 16, at ­parehas kaming nasa high school noon. Siya ay cute at ma­galing magpatawa.

Isang buwan kaming may relasyon. Hindi ako nakapagpigil. Nawala ang virginity ko sa piling niya.

Pagkatapos, sabi niya, wala na siyang feelings sa akin, at iniwasan na niya ako. After two weeks, bumalik siya sa akin.

Kahit na gusto ko pa rin siya, sabi ko sa kanya, lumayo na lang siya sa akin, at iyon nga ang nangyari.

Isang araw, nag-text ako at sinabi kong in love pa rin ako sa kanya. Nag-reply siya na akala niya ayaw ko na siyang kausapin.

Naging hindi maganda ang palitan namin ng text. Gusto ko lang malaman niya na miss ko siya.Isang buwan lang ang relasyon namin, pero araw-araw na naiisip ko siya.

Mahal ko pa rin siya. Nabilataan kong may ibang girlfriend na siya. Nakita ko sila minsan sa mall, at masaya sila.

Nag-try akong mag-comment sa post niya sa Facebook, pero dedma lang siya. Gusto kong ­bu­malik siya sa akin. Paano ko maibabalik ang naka­raan? — Rowie

Dear Rowie,

Huwag mo siyang ibalik. Dahil sa kanya, ­nawala mo ang iyong mabuting pagkatao. Ang ibalik mo ay ang dating magandang pagkatao mo.

Ikaw ay bata pa, maraming taon pa ang magbibigay sa iyo ng pagka­kataon upang ikaw ay tunay na lumigaya.

Huwag mong sayangin ang kahalagahan ng iyong buhay sa isang nakaraan, sa isang buwang romansa sa piling ng isang lalaking umiwan sa iyo pagka­tapos niyang pagsamantalahan ang iyong pagkababae.

Siya ay may ibang babaeng biktima na ­ngayon, kaya kalimutan mo na siya. Hindi siya ang ­lalaking karapat-dapat na pagtuunan mo ng oras.

Oo, siya ang unang lalaking nakapiling mo, pero hindi ibig ­sabihin na siya ang lalaking magmamahal sa iyo magpakailanman.

Hintuan mo ang pag-text sa kanya upang ­hindi ka magmukhang naghahabol at nagmamakaawa. ­

Huwag mong ipagkait ang pagkakataon sa iyong sarili na ganap na malagpasan ang nakaraan upang malasap mo ang ganda ng buhay sa kinabukasan.

Buong tatag na itaas mo ang iyong noo. ­Matuto kang piliing mabuti ang lalaking ­pagkakatiwalaan mo ng iyong sarili at puso.

Magpakabuti ka, at ­dara­ting ang lalaking gagalang sa iyong pagkababae at magmamahal sa iyo nang tapat.

Ituon mo ang iyong isip, puso at panahon sa iyong pag-aaral at sa pagpapalago ng iyong ­karakter at ­pagkatao.

Sa susunod na taon, magpatuloy ka sa iyong pag-aaral, magkaroon ka nang mga bagong kaibigan, sumali sa bagong school activities at ibang okasyon kung saan ka puwedeng makatagpo ng mga bagong kaibigan.Lumapit ka sa Dios.

Mamuhay ng maayos, ­matuwid, at wala kang ikakahiya. Magiging malaya kang isabuhay ang kagandahan ng iyong pagkatao, kagandahang mapapansin ng lalaking itinakda ng Dios sa iyo.

God bless you!

Payong kapatid, Kuya Rom