Una sa Balita

Payo ni VP Leni: Magtipid, gumawa ng paraan

By
0 96

NGAYONG mataas ang presyo ng mga bilihin, may payo si Vice President Leni Robredo sa taong bayan na magti­pid at iwasan gumastos kung hindi naman kailangan.

Ito’y habang naghahanap pa anya ang pamahalaan ng solus­yon sa pagtaas ng inflation rate sa 6.4%.
“Ngayon kasing matataas iyong presyo lahat, kailangan tala­gang mag-save tayo. Huwag gagastos nang hindi naman kailangan,” ayon kay Robredo.

Kailangan umanong maghanap ng ibang paraan para maghanapbuhay at huwag umaasa lamang at maghintay na may dumating na tulong.

“Huwag maghintay lang, dapat gumawa ng paraan. Kasi kung maghihintay lang, lalong mararamdaman iyong kahirapan,” dagdag ni Robredo.

Una nang hiniling ni Robredo sa pamahalaan ang agarang pagtugon sa tumataas na presyo ng mga bilihin partikular ang bigas.

May panawagan pa ito para sa pagbibitiw ng mga opisyal na National Food Authority (NFA) dahil sa kawalang aksiyon nito sa tumataas na presyo ng bigas.