Una sa Balita

Payment center pinilahan sa biyaya ni Congressman

By
0 1,256

Masyado na raw hi-tech ngayon ang biga­yan ng suhol para sa boto ng isang miyembro ng Lower House.

Imbes na kaliwaan kasi ang hatag sa bawat botante, aba’y ipi­napadaan na ito ng mambabatas sa payment center.

Sa ibinatong impormasyon kay Mang Teban, tuwing sasabak daw sa halalan itong si congressman, nakahanda rin ang milyones nito na siyang pambayad sa boboto sa kanya.

Abante Hiring – IT dep

Bawat mabibiling boto, binibigyan nila ng stub ang botante at ike-claim na lang ang pera sa payment center.

Sa dami ng nabingwit ni congressman, aba’y humaba ang pila sa payment center, animo’y pila ng ras­yon ng NFA rice sa evacuation center.

Inakala tulo­y ng ibang miron na bumah­a ng magbaba­yad ng kuryente at tubig, ‘yun pala ay ma­ngongo­lekta ng biyaya ni congressman.

Pintahan niyo na. Ang congressman na hindi matibag sa puwesto dahil sa panu­nuhol ay may letrang T sa kanyang pangalan as in ‘Timbangan ay masisira sa kanya’.