Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Payaso ang peg: Female celeb adik sa makeup

0 161

Obsessed ang female celebrity na ito sa paglagay ng makapal na makeup. Kahit nasa bahay lang ito at nagzu-Zoom meeting, fully made up ito at hindi sapat ang ilaw lang para maging flawless ang mukha niya.

Kuwento ng makeup artist na nakatrabaho ang female celebrity sa isang magazine shoot bago magkaroon ng pandemya, sobra raw itong nahilig sa makeup at super kapal talaga.

“Maganda naman siya kapag walang makeup. Mas mukha siyang bata. ‘Yung napipili niya kasing makeup nagpapatanda sa kanya. Hindi bagay sa edad niya. Papunta na nga sa pagiging payaso ang mukha niya. Kaya sa magazine shoot namin noon, gusto kong ibahin ang makeup niya kasi hindi nakakabata,” sabi ng make up artist.

Sa isang photoshoot ay hindi raw tumanggi sa makeup na nilagay niya ang female celebrity. Noong kukunan na ito, nag-excuse lang ang female celebrity para mag-CR. Paglabas niya ay nagulat ang makeup artist dahil parang may naiba sa ginawa niyang makeup.

“Ang bilis niyang nadagdagan ang nilagay kong makeup. Hindi naman ako na-offend sa ginawa niya. Natawa ako kasi para siyang magikera! Para siyang may baon na filter! Hindi na ako nag-react pa kasi nagmamadali na ang photographer namin. Quiet na lang ako,” sey ng makeup artist.

Inamin naman ni female celeb na hindi siya makakaharap sa anumang kamera kung wala ‘yung makeup na nakasanayan na niya.

Anyway, alam naman ni makeup artist kung ano ang tinatago ng female celebrity sa ilalim ng makapal na makeup nito. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.