Una sa Balita

Pawikan nasagip ng DENR sa Marinduque

0 284

Naging matagumpay ang pagsagip ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa isang pawikan na napagpag sa baybayin ng Barangay Masiga, Gasan sa lalawigan ng Marinduque kamakalawa.

Nabatid na naglalakad umano sa baybaying sakop ng nasabing barangay si Ariesphel Solas at mga kaibigan nito nang makita ang pawikan, agad naman nila itong ipinagbigay-alam sa kagawad ng barangay alas-kuwatro nang hapon.

Matapos ang tagging, nabatid na ang nailigtas ay isang uri ng green sea turtle, habang pinangunahan ni Brian Iñigo Leaño, forest technician ng DENR-Marinduque, kasama ng ilan pang mga opis­yal sa lugar at mga residente ang pagpapakawala sa pawikan sa Sitio Kwatis ng nasabing barangay.

Samantala, hindi naman naging kapareho ang sinapit ng 200 kilo na lea­therback sea turtle na natagpuang patay sa baybayin ng bayan ng Bula, Camarines Sur noong Linggo, makaraang sumabit sa mga lubid.

Paalala ng kagawaran, agad na iulat sa mga awtoridad ang mga natatagpuang hayop para mailigtas ito. (Gel Manalo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy