Una sa Balita

Pavlovic, Pasig swak sa main draw

0 183

SWAK ang local team Pasig Chooks at Melbourne Athletic ng Australia sa main draw ng 2019 Chooks-to-Go Manila Challenger matapos ang magkahiwalay na panalo kahapon sa SM Fairview Events Center.

Umabante ang Pasig, 28th-ranked team sa world, sa Pool D kung saan makakaharap nila ang Kranj ng Slovenia at Ulaanbataar MMC Energy ng Mongolia.

Umentra ang Melbourne sa Pool C, makakalaban nila ang Gagarin ng Russia at Belgrade NetTV ng Serbia.

Kumapit ang Pasig kay Nikola Pavlovic laban sa Isabela City Chooks para sumampa sa susunod na stage sa level-nine FIBA 3×3 tournament na magsisilbing qualifier tungo sa Jeddah Masters.

“It’s tough but this is what we live for,” saad ni Pavlovic.

Naghabol ng isang puntos, 19-20, may 12.2 ticks na lang sa orasan, nahablot ni Joshua Munzon ang bola mula sa mintis ni Pavlovic.

Umatake muli si Munzon para lumuwag ang depensa at saka nito ibinato kay Pavlovic para sa panelyong puntos, 21-20.

Sa unang laro ng Pasig, tinalbos nila ang Zamboanga Valientes MLB, 21-9. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy