Una sa Balita

Pautot lang, Romeo ‘di pa magreretiro

0 192

ISA lamang biro ang pahayag ni San Miguel Beer point Terrence R­omeo na tuluyan na itong magreretiro kapag nakuha na ang unang kampeonato sa PBA.

Niliwanag mismo ni Romeo na isa lamang “biro” ang kanyang pahayag sa isinagawa na press conference bago ang pagsasagawa ng best-of-seven championships ng prestihiyosong All-Filipino Conference kung saan nanalo ang San Miguel Beermen kontra Magnolia Hotshots, 72-71, sa Game 7 Miyerkoles nang gabi angkinin ang ikalimang sunod na korona.

“Biro lang iyun,” sabi ni Romeo, matapos iuwi ng Beermen ang ika-26 nitong korona sapul nang magsimula ang liga. “Gusto ko maranasan ulit.

Gusto ko pang makakuha ulit ng title. Gusto ko pang magpa- lakas uli para sa susunod na conference. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy