Una sa Balita

Paulo, Jodie wala pang planong pakasal

By
0 1,533

Marami ang nakapansin sa pag-iwas ng dyowa ni Paulo Avelino na rumampa sa red-carpet premiere night ng pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral” na si Jodie Elizabeth Tarasek, pero sweet naman daw ang dalawa habang magkatabing nanonood ng pelikula.

Ayon naman kay Jodie, ganu’n daw talaga siya na parang isa siyang introvert-extrovert type of a person na kahit isa siyang modelo, pero shy talaga sa limelight.

Sa mahigit isang taon nilang magdyowa ni Paulo, maganda naman ang takbo ng kanilang relasyon na kung saan ay malaki nga ang nagawa nang hindi sila masyadong lantad sa publiko.

Kahit pareho silang nasa mundo na kung saan ay laging on the go ang buhay at laging ina­abangan ang anumang balita sa kanila, pero pareho raw silang very private lalo na pagda­ting sa kanilang relasyon.

Ang maganda rin sa kanila ay pareho silang nagsusuportahan sa kanilang individual careers lalo na’t isa rin siyang TV host.

Marami ang nagsasabing bagay nga raw sila ni Paulo at wishing ang iba na sila na ang magkatuluyan, although hindi pa rin nila ito pinag-uusapan dahil may mga obligasyon pa silang dapat asikasuhin.