Una sa Balita

Paulo ‘great boyfriend’ ayon kay Jodie Tarasek

0 347

abante-i-know-better-jun-nardoWalang kawala sa entertainment press ang model girlfriend ni Paulo Avelino na si Jodie Tarasek sa re-launch ng Aksyon TV na tatawagin nang 5 Plus simula sa January 13. Siya ang kinuhang host ng program kaya naman nang mahilingan siya ng interview eh nagpaunlak naman ng Fil-Australian.

Two years na ang relasyon nina Paulo at Jodie.

“He’s great. He’s great!” diin ni Jodie.

“I wish I could tell you something that he does to irritate me but he is a great boyfriend,” dagdag niya.

Gusto raw niya ang ugali ng boyfriend na hindi masyadong nagkukuwento sa lovelife niya.

“I think that also attributes to why we’re so happy as a couple because we keep at lot of things in private. So I’m okay with that,” saad pa ni Jodie.
May anak na si Paolo pero walang isyu ‘yon kay Jodie.

“Yeah. Absolutely. At first, obviously, anyone who finds out that…I mean, I’m young and obviously when I first found out, ‘Oh, my God, he has a son!’
“Then you realize, it’s a child and he’s the most sweetest boy, so there’s really nothing to it. You would not hang out with someone or that someone just because they have a child. It doesn’t make them any less of good person,” rason ni Jodie.

Pero kahit puwedeng mag-artista, ayaw pasukin ni Jodie ang pag-aartista.
“I think I’m more inte­rested in hosting. I think I’ll leave showbiz to my partner. I think I’ not ready for showbiz.

“I think if I join showbiz, it wouldn’t be fair because I don’t know anything about acting,” katwiran niya.

Ayon naman kay Chot Reyes. President at CEO ng TV5, kukunin si Jodie bilang host ng sports event ng network. Anytime soon ay papipirmahin na siya ng kontrata sa TV 5.

Target ng 5 Plus ang kabataan, lalo na ‘yung mahilig sa extreme sports gaya ng X Games, international esports tournament at iba pa.

Ililipat naman sa Cignal nag Radyo 5 news prog­ram na napapanood sa Aksyon TV.