Una sa Balita

Paulo Avelino at Ritz Azul, nakakakilig ang lambingan

By
0 15

Kilig-kiligan to the highest level ang online world sa seryeng The Promise of Forever nina Paulo Avelino at Ritz Azul. Madalas ngang tren­ding topic ang serye at libo-libong tweets ang hinahamig nito tuwing hapon.

Hindi rin mapigilan ng netizens ibahagi ang papuri nila para sa nakakikilig na mga eksena ng serye, lalo na sa mga eksenang may lambingan ang dalawa.

“Nakakakilig. Ang ganda ng che­mistry nina Paulo at Ritz,” sabi ng iWant TV user na si Neriz Desilva.

“Agree ako sa comments na deserve nito talaga ng primetime slot sa ganda,” tweet naman ni @EverW01.

“Parang pelikula sa ganda itong serye na ito pwedeng panlaban sa Korean series! Congrats Dreamscape and ABS-CBN,” comment naman ng YouTube user na si Yani Meerck.

Well, panibagong yugto ng kanilang mga buhay ang haharapin nina Nicolas (Paulo) at Sophia (Ritz) sa muling pagtatagpo ng kanilang landas at pagpapatuloy ng kanilang naumpisahang pag-iibigan.

Lubos na nga ang pagmamahal na nararamdaman ni Nicolas para kay Sophia, kaya naman sa kabila ng kanyang kundisyon, hindi ito tumigil na hanapin ang dalaga upang muling subukang paglapitin ang kanilang mga puso. Mas determinado na rin si Nicolas na hanapin ang gamot sa kanyang kundisyon para tuluyan nang magkaroon nang normal na buhay kasama ang babaeng iniibig.

Ngunit sa kabila ng muling pagkikita ng dalawa, mas tumitindi naman ang panganib sa buhay ni Nicolas dahil parte na rin si Philip (Ejay Falcon) ng grupong gustong tumugis at patayin ang immortal man, sa pangunguna ng kanyang amain na si Marlon (Tonton Gutierrez), upang mabuo na ang mi­racle drug na makapagpapagaling sa lahat ng sakit.

Manumbalik na nga ba ang dating pag-ibig nina Nicolas at Sophia para sa isa’t isa? Ano naman kaya ang dalang panganib nina Philip at Marlon sa buhay nila?