Una sa Balita

Paulo Avelino, no-show sa b-day ng anak kay LJ!

By
Aki, LJ Reyes at Paolo Contis
0 2

Isang bonggang Batman theme party ang ibinigay ni LJ Reyes sa kanyang nag-iisang anak na si Ethan Akio o Aki sa Blue Leaf Cosmopolitan.

Halatang nag-enjoy talaga si Aki sa party niya na most of the guests ay pamilya nila at mga classmates ni Aki.

Pinaghandaan ni LJ ang 7th birthday ng anak although for her, mas guest list daw ng anak ang sinunod niya bilang hindi naman siya ang may birthday kaya wala raw sanang magtampo.

For seven years, ang dami nang pinagdaanan ni LJ bilang Mommy pero ganun lang daw pala kadali magdadaan ang pitong taon. Blessed daw sila ni Aki dahil sa support at love ng pamilya niya.

Naging katuwang naman ni LJ sa party, mula sa preparation nito ang boyfriend na si Paolo Contis. Ito raw ang talagang nag-asikaso rin sa iba’t ibang detalye.

Kasama rin nila sa pictures na mag-ina si Paolo kaya iisipin mo talaga silang happy family, lalo pa’t very close rin si Aki sa Tito Paolo niya.

Sabi namin kay LJ, hindi puwedeng hindi namin tanungin kung imbitado at kung darating ba ang Daddy ni Aki na si Paulo Avelino.

Sey na lang niya, “Basta ang sa akin, lahat ng nagmamahal kay Aki nandito.”

Obviously, no-show si Paulo sa birthday party ng anak since possible rin na wala itong ideya. Wala rin naman daw anumang expectation si LJ.

“Wala naman talaga akong ine-expect from him. Okey naman kami ni Aki, I think napaparamdam ko naman sa kanya ang love ng isang magulang.”

Ngayong araw na ito, July 24 ang actual birthday ni Aki kaya kami na ang nagsabi kay LJ na baka today naman magkasama ang mag-ama.