Una sa Balita

Paulo at Aljur ilang na ilang sa isyung magdyowa sila

By
0 1,888

Halatang ilang, pero heads on na sinagot nina Paulo Avelino at Aljur Abrenica ang tsismis noon sa kanilang dala­wa na sila ay ‘magdyowa’. Pabirong sabi nga ng dalawa na pareho na silang naka-move on sa nasa­bing isyu na akala nga nila ay limot na ng mga tao. Hindi naman nila itinanggi na alam nila na may isyu sa kanilang dalawa noon, pero pinagtawanan nga lang daw nila ‘yun.

Si Pau ang natsismis noon na siyang ‘mujer’ sa kanilang dalawa dahil ayon na rin nga sa kanya ay tahimik lang siyang tao, may pagka-mahinhin kumilos at hindi magaslaw.

Samantalang si Aljur naman ay laging on the go na kinaiinggitan nga ni Pau ang magandang boses nito pero guwapung-guwapo naman kay Paulo.

In the long run, na-prove naman nila na walang romantic angle sa kanilang dalawa lalo na nu’ng pareho na silang ma-involve sa mga babae.

Si Paulo ay may anak na kay LJ Reyes at may girlfriend nga­yon na isang model habang si si Aljur naman ay may anak na rin kay Kylie Padilla.

Muling nabuhay ang nakabaul nang isyu sa dalawang heartthrobs dahil nga sa teleser­yeng ginagawa nila together sa Kapamilya network ang Asintado.