Una sa Balita

Paulit–ulit ng MRTirik!

By
0 91

Nabungaran na naman ng hindi magandang umaga ang mga mananakay ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 makaraang magka-aberya ng tatlong beses kahapon.

Dakong alas-7:57 ng umaga nang makaranas ng problemang teknikal ang tren kaya’t napilitang bumaba ang mga pasahero sa northbound ng Boni Avenue station.

Sinundan ito ng pagka-antala ng serbisyo bandang alas-8:11 ng umaga kaya’t nagpatupad ng provisional service o limitadong biyahe mula sa North Ave­nue station hanggang Shaw Station. Alas-8:28 ng umaga nang maibalik sa normal ang operasyon.

Bandang alas-10:59 ng umaga nang makaranas din ng technical problem sa northbound ng Ortigas station na sinundan ng panibagong aberya dakong alas-11:37 ng umaga sa southbound naman ng Cubao station.

Sa mga insidente kahapon, nasa pitong beses nang aberya ang naitatala ngayong linggo. 

 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy