Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pauline kakayod sa bubble training

0 325

Nakapasok na sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna si Tokyo Olympics hopeful at taekwondo jin Pauline Lopez matapos sumalang sa travel quarantine.

Lumipad ang 2019 Southeast Asian Games gold medalist at 2018 Asian Games bronze medalist kamakailan pabalik ng bansa mula Estados Unidos upang makasama ang National taekwondo team na naghahanda para masungkit ang kanilang Olympic tickets.

Makakasama ni 24-year-old Lopez sa bubble sina National athletes Kirstie Elaine Alora, Kurt Barbosa, Arven Alcantara, Joseph Chua, Samuel Morrison, Baby Jessica Canabal at Laila Delo.

Inaasahang aaksyon sa Asian Qualification Tournament ang National taekwondo squad sa Amman, Jordan sa darating na Pebrero. (JAToralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.