Una sa Balita

Pauline hanap ng sisipain

0 364

NAGHAHANAP ng masisipa si 2018 Asian Games bronze medallist Pauline Lopez ng taekwondo.

Pero hindi tao, kundi kicking bag.

“Hiiii guys! Looking for a kicking bag or stand and rubber mats in Subic! if you guys know of anyone pls message me 🙂 thanks!,” sabi nito sa kanyang Twittee post.

Patuloy na sa bahay lang nag-eensayo ang mga pambansang atleta dahil pa rin sa umiiral na Enhanced Community Quarantine sanhi pa rin ng epektong dulot ng nakamamatay na coronavirus pandemic.

Samantala, itatampok ng grupo ng mga Olympian sa tulong ng Philippine Olympic Committee at pinamumunuan nina Gillian Akiko Thomson Guevara at Jeaneth Aro.

Makakasama sa second segment ng POC Webinar Series sina wushu artist Agatha Wong at skateboarder Margielyn Didal sa programang pinamamahalaan nina nutritionist at coach Jeaneth Aro at dating Philippine Sports Commission (PSC) Commisisoner na si Guevara. (Lito Oredo)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More