Una sa Balita

Pauline ayaw tumigil sa pagsipa

By
0 511

Dinaan na lamang sa pagsipa ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist Pauline Lopez ang pagkatengga sa bahay dahil sa ipinapatupad ngayong Enhanced Community Quarantine dulot ng Covid-19.

Sa twitter account ni Pauline (@pauweenie) ay pinasilip nito ang kanyang pagpapawis sa pamamagitan ng pag-eensayo sa taekwondo.

Mga solidong skip side kick, skip roundhouse, skip axe kick, turning side kick at front leg 45 degree kick ang kanyang ipinamalas.

Ginanahan pa ang dalaga dahil matikas pang nagpakawala ng front leg roundhouse kick, out-in kick at turning long-roundhouse kick sa kanilang bakuran.

Si Pauline, na two-time SEAG gold medallist at nakasungkit din ng bronze sa Asian Games, ay naka-home quarantine upang makaiwas sa Covid-19 pandemic.

Nakatakda sanang sumabak sa Asian Olympic qualifier ang 23-anyos na atleta ngunit naudlot ito dahil sa banta ng coronavirus.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More