Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pauline, Abby sosyo sa 46th

0 51

KABILANG sina Pauline Beatriz Del Rosario at Abegail ‘Abby’ Arevalo na umupong kahanay pansamantala sa 21 magkakatabla sa pang-46 na puwesto sa ‘di nakumpletong first round dahil dalawang beses itinigil sa ulan na 2nd Epson Tour 2022 Leg 8 $200K (P10.4M) 3rd Mission Inn Resort and Club Championship sa Mission Inn Resort & Club sa Howey-In-The-Hills, Florida Biyernes (Sabado Manila time).

Kapwa nagsalpak ng one-under par 74 ang dalawang Pinay na mga sinusuportahan ng International Containter Terminal Services, Inc. (ICTSI), siyam na palong iwan kay overnight leader, hometown bet Gina Kim na may pasiklab na seven-under par 66.

May lamang lang na dalawang hampas si Kim sa dalawang kababayang Kana na sina Gigi Stoll at Sarah White na may parehong five-under tapos ng 15 butas.

Ang pangatlong pambato ng ‘Pinas na si Clarissmon ‘Clariss’ Guce nag-78 upang makihalo sa 15 nasa pang-98 posisyon sa 143 kalahok. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.