Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pauline, Abby sa FL golfest

0 49

BALIK sabak sina Pauline Beatriz Del Rosario at Abegail ‘Abby’ Arevalo sa 42nd Epson Tour 2022 Leg 8 $200K (P10.4M) 3rd Mission Inn Resort and Club Championship sa Mission Inn Resort & Club sa Howey-In-The-Hills, Florida Biyernes (ngayong Sabado Manila time).

Alas-8:58 ng umaga ang tee off ni Del Rosario kasabayan sina hometown bets Kaley In, Allie White at Marissa Kirkwood, Thanapolboonyaras Pannarat ng Thailand ay Xiolin Tian ng China.

Ang kakuwadra niya sa International Container Terminal Sevices, Inc. (ICTSI) na si Abegail ‘Abby’ Del Rosario ay sa alas-9:09 ng umaga ka-flight sina Americans Lauren Cox, Rachel Stous, Katie Yoo at Kendra Dalton, Chinese Jing Yan at Lisa Pettersson ng Sweden.

Hahampas naman ang pangatlong bet ng Pilipinas na si Clarissmon ‘Clariss’ Guce sa alas-8:25 ng umaga kasama sina Celina Borge ng Norway, Emma Broze ng France, Gina Kim ng USA at Mexicans Ingrid Gutierrez Nunez at Ana Paula Valdes. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.