Una sa Balita

Pauleen ‘fatal’ ang sakit?

0 544

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloySinakmal ng matinding pag-aalala si Pauleen Luna kamakailan lang dahil sa nararanasan niyang high fever.
Sa post ng misis ni Vic Sotto sa kanyang Instagram na may dalawang tube ng kanyang dugo, sinabi nitong nagpatawag siya ng medical staff sa kanyang bahay para kunan siya ng blood test.

Nag-aalala si Pauleen na baka tinamaan siya ng dengue kaya lagi siyang nilalagnat.

Ikatlong pagkakataon na ito ni Pauleen na dinapuan ng dengue at base sa alam niya, “fatal” ang ikatlong dengue.

Hirap na hirap ang “Eat Bulaga” host lalo’t kasama niya ang anak na si Tali, at nag-aalala rin siya sa kalusugan nito.

Paglabas ng item na ito ay may resulta na marahil sa blood test ni Pauleen, kung may dengue siya o ibang infection kaya hindi bumababa ang kanyang lagnat.

Sylvia ngumalngal sa drama nina Arjo, Ria

Ngumalngal si Sylvia Sanchez nang makaranas ito ng sorpresa mula sa mga importanteng tao sa kanyang buhay.

Nagulat at naging emotional si Sylvia sa pagbilaang pagsulpot ng mga anak niyang sina Arjo, Gela at Ria, kasama ang kanilang ama na si Art.

Makikita sa video post ni Sylvia sa kanyang Instagram na nagpi-picture taking ang aktres kasama ang ina, mga kapatid at pamangkin sa harap ng Hong Kong Disneyland, nang biglang sumulpot mula sa likuran ang buo niyang pamilya.

Sabi nga ni Sylvia sa caption, siya raw ang nag-sorpresa sa kanyang ina sa birthday niya, pero siya pala ang nagulat dahil hindi niya akalaing susunod sa HK ang mga anak at asawa.

Ilang birthday treats at wishers na ang nakaposte sa IG ni Sylvia mula sa mga tapings at acting projects na ginagawa niya.

Nangangahulugan lamang na isa sa mga well-loved at respectable actresses sa industry si Sylvia.

Marjorie ayawpakabog sa yamanni Gretchen

Kung ibabase sa mga post ni Marjorie Barretto ng kanyang mga parties at events sa bahay, humahabol ito sa pagiging mayaman niya ngayon sa naka-tampuhang kapatid na si Gretchen Barretto.

Sa tuwing may okasyon sa pamilya o sa bahay ni Marjorie, lagi itong nagpapa-cater at naglalagay ng themed-set up sa kanyang bahay.

Kamakailan lang sa birthday celebration nito, isang Iloilo dish ang inihanda nito para sa kanyang mga invited guests, kabilang ang kanyang pamil- ya, kaibigan at malalapit sa puso niya.

Ipinapakita sa video post ang buffet settings na punong-puno ng mga authentic Iloilo food, na ayon kay Marjorie ay kinasasabikan ng kanyang pamilya.

Ito ang naging comfort food nila noong naninirahan pa sila sa Iloilo.

May sariling chef at staff na inar-kila si Marjorie para lang sa okasyong ito na lagi niyang ginagawa kapag may party siya sa bahay.

Ganito rin ang ginagawa ng ate niyang si Gretchen na nagpapa-cater at kumukuha ng chef kapag gusto nitong i-treat ang kanyang mga friends o may okasyon sa kanyang pamilya at malalapit sa buhay.

Pang-mayaman ang ganitong settings ni Marjorie, na ginagawa rin ni Gretchen.

Samantala, ilan lang sina Erich Gonzales, Moira Dela Torre, Bela Padilla, at Alora sa mga dumalo sa birthday ni Marjorie.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy