Una sa Balita

Paul, Thunder umeskapo sa OT

0 360

NAGSALANSAN ng season-high 30 points si Chris Paul at nailu­sot ng Oklahoma City Thunder ang kakaibang 139-127 overtime win laban sa Minnesota Timberwolves Biyernes ng gabi.

Abante ang Wolves 121-119 katiting na 1 second na lang sa regulation, binigyan agad ng OKC ng foul si Karl-Athony Towns. Sablay ang unang free throw, natawagan ang Minnesota ng delaying the game dahil hindi naka-tucked in ang jersey ni Jordan Bell nang pumasok bilang sub.

Ipinasok ni Danilo Gallinari ang technical free throw para sa OKC, pasok din ang pangalawang charity ni Towns. May two-point cushion ang Wolves pero na­bigyan din ng tsansa sa throw-in ang Thunder.

Mula sa ilalim ng basket ng Wolves, binatuhan ni Steven ­Adams si Dennis Schroder sa kabilang dulo, isinubo ang layup sabay sa pagkaubos ng oras para mapuwersa ang OT.

Nag-ambag ng 29 points si Shai Gilgeous-Alexander sa Thunder, may 25 si Schroder. Tumapos si Adams ng 22 points at 11 rebounds, nag-ambag ng 21 points si Gallinari.

Binitbit ng season-high 32 points ni Jeff Teague ang Wolves, may 30 si Towns. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy