Una sa Balita

Paul sasayaw sa OKC

0 305

NAGSISIMULA si Chris Paul sa kanyang NBA career noong 2005, naglaro siya sa Oklahoma City.

Pero hindi bilang Thunder, kundi bilang miyembro ng noo’y New Orleans Hornets. Pansamantalang nag-relocate noon sa OKC ang Hornets dahil sa Hurricane Katrina.

Makalipas ang 14 na taon, balik OKC si Paul, bilang bagong miyembro na ng Thunder.

Lumipat ng Houston Rockets ang dating mukha ng Oklahoma City na si Russell Westbrook, dumating si Paul.

Bagong bihis ang Thunder, pero hindi nagbago ang team kahit wala na si Russell, at nasa Clippers na rin si Paul George.

“We’re still the Thunder, at the end of the day,” ani shooting guard Terrance Ferguson. “The team name didn’t change just because he left.”

Si Paul, nagpapaturo pa ng sayaw na ‘Haka’ sa bago niyang teammate na si Steven Adam ng New Zealand.

“You gotta teach me that,” sambit ni Paul.

“What, the Haka?” balik-tanong ng Big Kiwi patungkol sa ceremonial dance ng Maori culture.

May koneksiyon na agad silang dalawa.

Isa sa obvious na nagbago ang locker room ng OKC. Dati, noong panahon ni Westbrook, mas mainit ng ilang degrees ang locker room kumpara sa ibang panig ng building nila. ‘Yun daw ang gusto ni Westbrook.

Ang mga bagong dating noon, nagrereklamo na mainit. Pero iisa ang sagot: Kung may problema sa init, sabihin kay Westbrook. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy